top of page
Untitled design (2).png

MAINTENANCE

GETTING TO KNOW YOUR EBIKE

RESPONSIBILIDAD NG ISANG VEHICLE OWNER O NAGMAMAY ARI NG E-BIKE O NG SINUMANG GAGAMIT NITO NA

  • Alamin at pag aralan ang [SPECKS ] o kakayahan ng E-BIKE sa unang beses na paandarin o gagamitin ang E-BIKE ,Rekomendasyon ng kompanya na magsanay sa lugar na walang tao o bagay sa

  • lugar na pagsasanayan upang maiwasan ang aksidente at pagkasira nito .

CLIMBING POWER:

  • Kakayahan ng e-bike na umakyat sa tulay o matataas na daan ng may mga dalang pasahero o kargamento.

LOAD CAPACITY:

  • Kakayahan ng e-bike na magkarga o magsakay ng hanggang kung ilang bigat ang kaya nito na pasahero o kargamento .

SPEED:

  • Bilis ng takbo ng e-bike

RANGE:

  • Kakayahan ng battery ng E-BIKE na makarating sa pupuntahan nito depende sa bigat, bilis at estilong pag mamamneho.

BATTERY and CHARGER:

  • Tamang gamit at oras na pagcharge sa iyong E-BIKE BATTERY.

RIDING GUIDE BAGO ITO SAKYAN O GAMITIN:

  • Ang  VEHICLE OWNER O NAGMAMAY ARI NG E-BIKE  ang may responsibilidad na sa pang araw araw na ROUTINE MAINTENANCE ng sasakyan bago ito gamitin o paandarin upang maiwasan ang aksidente at pagkasira nito.

  • Katulad ng pag susuri sa mga sumusunod kung ito ay ligtas at nasa maayos na kundisyon;

  1. Preno

  2. Break cable

  3. Break pad

  4. Brake fluid

  5. Disc brake oil levels.

MANIBELA O STEERING WHEEL ALIGNEMENT:

GULONG:

  • Tamang hangin nito na makikita sa gilid ng gulong [PSI].

ILAW:

  • Headligt,signal lights,breaklights,hazard light, busina at iba pa.

SUSPENSION AT SHOCK ABSORBER:

  • Nasa maayos na kundisyon

TURNILYO AT NUTS:

  • Paghihigpit sa mga parts nito na lumuwag kasama ang lug nut o turnilyo ng gulong at wheel axle.

WIPER MOTOR AT BLADE:

  • Sa panahon na maaring umulan.

BATTERY:

  • Cord and wire connections

  • Siguruhing ito ay maluwag

MAINTENANCE TIPS:

  1. Ang E-BIKE na hindi umandar o umiikot o pakat o preno ay hindi pwede ipahila ito ay dapat nakasakay na dalhin sa

  2. E-BIKE SERVICE CENTER ,sapagakat ikasisira ng motor at controller at ibang parts nito ang sapilitang paghila dito .


HAND BRAKE:

  • Siguruhin na ito ay nakababa upang maiwasan ang madaling pagkasira at pagkaubos ng battery at maiwasan ang pagkasira ng motor at ibang pang electrical parts nito.


SPEED:

  • Always start in sa NO.1 speed para para maextend ang battery life at maiwasan ang pagkasira ng controller at motor nito.


BAHA:

  • Ang 2 WHEELS SYMPHONY model ng ebike ay senstibo sa baha ito ay hindi maaaring idaan sa baha

  • Ang E-BIKE na tatlong gulong at apat na gulong ay maaring dumaan sa baha ng hanggang kalahati ng gulong nito.

ULAN:

  • Ang E-BIKE ay maaring gamitin kahit umuulan.

Note: Ang ebike na huminto dahil sa ulan ay maaring patuyuin lamang ang mga break sensor at ibang parte nito na nabasa
nito sa hot blower o ibilad ng matagal sa araw hanggang sa ito ay matuyo.



PAGLILINIS:

  • Huwag gamitan ng presurized water o i pa carwash ang e-bike dahil sa mga senstibong electrical parts nito.

  • Alamin ang lokasyon ng mga mga battery ,controller at importanteng parte ng E-BIKE na hindi dapat mabasa.

  • Iwasan na hugasan ang ulo ng E-BIKE.loob ng battery ,controller at mga BUTTON FUNCTIONS dito katulad ng busina ,accelerator ,brake handle, susian,panel board ,reverse mode at mga button para sa mga ilaw .

  • Ang ibang parte ng e-bike na hindi nabanggit ay maaring linisan , hugasan at sabunin .

bottom of page